Una sa Balita

Amyenda sa Anti-Trafficking Law napapanahon, dapat bilisan

0 273

Prayoridad ng Duterte administration na papanagutin ang sinumang indibidwal o grupo na sangkot sa child trafficking.

Nais ng Pangulong Duterte na taasan at bigyang pangil ang batas na nagpaparusa sa mga child traffic­ker kung saan marapat na itong maging non-bailable offense dahil sinisira ng mga ito ang kinabukasan ng kabataan kaya dapat lamang protektahan sila ng estado.

Kaya pinamamadali na ng pangulo sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na layong taasan ang parusa sa mga mapapatunayang guilty sa child traffic­king.

Nakikita ng Palas­yo na kailangang mas pataasin ang parusa, ‘yung tagal ng pagkakulong at mataas na multang babayaran o kaya’y parehong ipataw sa may sala. Maliban sa pagpataw ng mas mataas na kaparusahan, kailangan nating maipakita sa ating mga kababayan na gumagawa ang gobyerno ng mga hakbang upang mawakasan ang isyu sa human trafficking partikular sa kabataan at vulnerable groups.

Dapat mas palakasin natin ang mga legal safeguards para mabigyang proteksiyon ang ating kabataan. Umaasa tayo na makikita ng Senado at Kongreso ang kaha­lagahan kung bakit kailangan pabilisin ang pagrepaso sa naturang batas dahil naniniwala ang pa­ngulo na kabilang ito sa kanilang top legislative priorities.

Magugunitang sa pagbubukas ng 18th Congress, ilang mam­babatas ang humirit na amyendahan ang Republic Act 10364 partikular si Sen. Panfilo Lacson na naghain ng Senate Bill No. 27 na nagsusulong na buhaying muli ang death penalty at isama sa parusang bitay ang qualified trafficking habang si Sen.
Bong Revilla ay naghain naman ng Senate Bill No. 45 kung saan pinatataasan ang parusa sa mga lumabag sa child abuse, exploitation at discrimination.

Sa Mababang Kapulungan naman ay apat na kongresista ang naghain ng kani-kanilang bersyon bilang susog sa pag-amyenda ng naturang batas. Kabilang sa mga kogresistang nagsumite ng panukala ay sina Cong. Geraldine Roman, Cong. Wilter ‘Sharky’ Wee Palma II, Cong. Micaela Violago at Cong. Aurelio Gonzales, Jr.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, mahaharap sa 15 taon na pagkakabilanggo at multa na hindi bababa sa P500,000 hanggang P1 million ang mapapatunayang nagkasala ng attempted trafficking in persons.

Kudos sa mga senador at kongresistang nagsulong ng panukala at naniniwalang panahon na para am­yendahan ang Republic Act 10364 upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mapapatuna­yang sangkot sa pang-aabuso sa kabataan, pambubugaw sa prostitusyon at paggamit sa mga ito sa iba’t ibang krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy