Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Amyenda sa AMLA suportado ng Senado

0 105

Masusugpo ang money laundering, terrorist finance at iba pang katulad na banta sa bansa kung mapapalakas ang Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Ito ang sinabi ni Senadora Grace Poe, kasabay ng pagsabing kikilos agad ang Senate committee on banks, financial institutions and currencies sa panukalang amyendahan ang AMLA habang tinitiyak ang masinsinan at bukas na deliberasyon.

“Mahalagang magkaroon ng pamamaraan sa batas na husayan ang pagsugpo sa money laundering, terrorist financing at iba pang katulad ng banta sa integridad ng ating sistemang pinansiyal,” saad ni Poe, matapos sertipikahan ng Malacañang bilang urgent ang panukalang amendahan ang AMLA.

“Ang maayos na sistemang pinansiyal ay may kapasidad na kayanin ang epekto ng mga kaganapang tulad ng pandemya na nagpahirap sa ating ekonomiya at nagpasadsad sa kabuhayan ng ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Isa ang Senate Bill No. 1412 ni Poe sa mga inihaing panukalang naglalayong patibayin pa ang AMLA o ang Republic Act No. 9160.

Naunang nagbabala ang AMLC na kung mabibigo ang Pilipinas na maipasa ang mga amendment at maipakita ang epektibong implementasyon, nanganganib ang bansa na maging “grey-listed.”(Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.