Una sa Balita

Amsali, Tamayo tampok sa NBTC All-Star Game

0 422

MAKIKILATIS ang tikas ni Rhayyan Amsali at ilang pili pa pagsalang sa 2020 National Basketball Training Centre All-Star Game.

Nangunguna si former San Beda Red Cubs star Amsali sa mga bagong mukha sa final rankings ng mga tigasing batang players sa bansa.

Inakbayan ni 6-foot-3 Amsali ang Red Cubs sa kampeonato ng NCAA juniors season 95 para mamuno sa rankings.

Nasa ranked Nos. 2 at 3 sina Nazareth School of NU big men Carl Tamayo at Kevin Quiambao para sa NBTC ASG, inangklahan nila ang Bullpups sa pangalawang sunod na UAAP boys title. Hinirang na Finals MVP ng Season 82 si Tamayo habang si Quiambao ang no.1 player sa UAAP NBTC 24.

Unang salang din nina UAAP Season 82 MVP Jake Figueroa ng Adamson at NCAA MVP John Barba ng Lyceum, nakapamewang sila sa fifth at seventh spot, ayon sa pagkakasunod.

Ang ibang first-timers ay sina Ateneo players Josh Lazaro (8) t Lebron Lopez (12), Penny Estacio (10) at Cholo Anonuevo (13) ng FEU-Diliman, Justine Sanchez (14) at Yukien Andrada (17) ng San Beda, LSGH cager RC Calimag (19), Letran bet Joshua Ramirez (20), Joshua Cajucom (21) ng Hope, Miguel Tan (22) ng Xavier, Isaiah Blanco (23) ng UC at SHS-Ateneo player Mike Boniel (24). (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More