Una sa Balita

Amputee pero patok sa pabalat ng sports mag

By
0 2,506

SA mga nakalipas na taon, gumawa ng ingay ang Sports Illustrated swimsuit issue.

Una ay naglagay sila ng plus-size model sa cover sa unang pagkakataon. Sumunod ay ipinakita ang ikatlong black cover girl.

Ngayon naman, isang Paralympian.

Isang pro snowboarder at amputee si Brenna Huckaby ng Team USA. Putol ang kanan niyang paa, gumagamit ng prosthetic leg.

Siya ang uang Paralympian na naging SI model.

“Insane” ang deskripsiyon ni Huckaby, 22, sa pagkakapili sa kanya.

“I was in Europe, and I looked at my phone and was like, what is this long text?” aniya. “And it was, ‘Sports Illustrated wants you in their swim edition.’ I was probably smiling and freaking out until I got to Aruba (sa photoshoot).”

Sa Instagram post ng SI na may video ng photoshoot, iba’t ibang bathing suits ang suot ni Huckaby.

Na-diagnose na may osteosarcoma (cancer) ang World Championship gold medalist sa edad 14. Maayos pa ang lagay nang magsimulang mag-chemotherapy pero lumala ang tumor kaya kinailangan nang putulin ang paa.

“I now at risk for leukemia,” lahad ni Huckaby.

Gymnast din dati si Huckaby, tulad ng kapwa niya Olympian at swimsuit issue model Aly Raisman. Pagkatapos ma-amputate ay nabaling siya sa snowboarding.

Nagsimulang makipagkumpetisyon si Huckaby noong 2013, at muli ay sasabak sa 2018 Paralympics sa March.