Una sa Balita

Ampon pinamanahan

0 583

Attorney may itatanong lang po sana ako tungkol sa lupa ng isang namatay na may ampon ngunit hindi legal sa papel pero sa kanya ibinigay ang napag-iwanan ng namatay.. mailelegal ho ba ito o ang mga totoong kamag-anakan ng namatay ang magkakaron ng karapatan dito? 

Salamat po,

Mildred

Ms. Mildred,

Ang sinuman na kinupkop at inalagaan ng walang legal na dokumento ng pag-ampon ay walang anumang karapatan na magmana maliban lamang kung may naiwang last will and testament ang nag­kupkop na ang ari-ariang maiiwan ay ibibigay lamang sa kanya.

Related Posts

Kung ang nag-alaga at kumupkop ay walang asawa, walang anak o magulang na naiwan ay maaari niyang ibigay ang ari-arian kahit kanino pa kaya’t kahit hindi nagkaroon ng legal adoption ay maaari niyang iwan ang mga ari-arian sa kanyang inalagaan ngunit dapat na ito ay nakasaad sa isang Deed of Donation or Last Will and Testament.

Kung walang naging desisyon mula sa korte tungkol sa adoption ay mananatiling tagapagmana ang kanyang mga magulang (kung buhay pa) o mga kapatid (o kaya ang mga pamangkin na anak ng kapatid kung namatay na ang huli). 

Kung nagkaroon naman ng simulated birth certificate at pinalabas na anak ang batang inalagaan ay maaa­ring magmana ang ina­lagaan dahil ito ay base sa record maliban lamang kung mapapatunayan na walang tunay na birth certificate kundi isang peke lamang.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy