Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Amoy balikan na: Jennica, Alwyn nagsama sa Tanay

0 22

Umabot ng tatlong post ang napakahabang paliwanag ni Jennica Garcia sa comment ng isang netizen sa nauna niyang post na kuha sa Tanay, Rizal.

Nag-post kasi si Jennica na kasama niya ang tropa niya, pero tipong ‘di siya na-inform na couple na lakad pala habang siya ay walang lovelife.

‘Yun lang, mukhang maraming nakasabay na netizens si Jennica at nakakitang kasama naman daw pala niya ang asawang si Alwyn Uytingco pati ang dalawang anak nila.

Sey ng isang comment, “Mood mo walang partner? Eh katabi mo sa table ‘yung husband mo. Kasama nyo pa anak nyo. Showbiz nga naman.”

‘Yung comment na tila nag-trigger kaya nag-explain nang napakahaba ni Jennica ay hindi na namin mabasa sa IG niya. Pero sa isang banda, hindi rin siguro masisisi ang mga netizen na nag-comment sa post niya na tipong wala siyang kasama dahil sa implication ng post niya.

Binasa naming buo ang post/comment ni Jennica at mukhang isa si Jennica sa bagong “patola” ng taon. At may katarayan din na tipong tinatapatan din ang tingin niya siguro basher o hindi magandang mag-comment sa post niya.

Kaso, hindi maiiwasan na kung gaano ka ka-open sa social media, ready ka rin talaga dapat sa mga pwedeng maging comments either positive o negative man ito.

Sa haba ng paliwanag ni Jennica, ‘eto na lang ang ilan sa sinabi niya na ‘yun nga, kahit hiwalay na sila ni Alwyn, nagkikita at nagkakasama pa rin sila para raw sa mga anak nila.

In-acknowledge rin niya na ginagawa raw ni Alwyn ang best nito para mabuo silang muli. At hindi rin daw ‘yun ang last na puwede silang makitang magkasama.

“It was not an Uytingco family trip. Dapat ba ‘pag hiwalay sa asawa not in good terms? Hindi kami boyfriend and girlfriend na dahil hiwalay, cut all ties. We have children to think of hindi pwedeng sariling kapakanan lang iniisip.”

Aniya, “While Alwyn is doing his best to restore our family. I need time to heal.”

Sey pa rin niya, “Kung magkabalikan man kami ni Alwyn, manggagaling sa bibig ko hindi manggagaling sa bibig ng kaibigan mo, o sa bibig ng kahit na sino na wala naman alam tungkol sa personal na buhay ko.”

O ha, palaban.

Kylie, Andrea palaban sa lampungan

Meron nang na-coined na name ang ilang netizens dahil sa mga post nina Kylie Padilla at Andrea Torres.

Sa post pa lang nila, madaling isipin na it’s a same sex intimacy o scenario sa pagitan nila. Kaya ang tawag na agad sa kanila ay “KyDrea,” pinagsamang mga pangalan nila.

Hindi pa pala nagte-taping or nagsu-shooting para sa project na ito na pagsasamahan ng dalawa. Pero, mini-series daw ito na lalabas sa WeTV at iFlix under Rein Entertainment.

Nagkita lang pala sina Kylie at Andrea para siguro i-present sa kanila ang kuwento. At balita namin, maganda raw talaga ang kuwento kaya game agad sina Kylie at Andrea na gawin.

Naalala namin sa kanila sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na nang mag-partner sa The Rich Man’s Daughter, kahit na ilang taon na ang lumipas, napakaraming lesbian na talagang naka-relate sa kanila, naniwalang sila talaga at umaasang magkatotoo ang tandem nila in real-life.

So, mukhang dapat na mag-ready na rin sina Kylie at Andrea lalo na at mukhang palaban ang mga ito sa posibleng mga intimate scenes nila.

‘Ang cheap niyo, ha!’

Kristoffer bida sa online sabong ng 2 babae

Dahil break na sa kanilang short-lived romance, natsi-cheapan ang mga netizen sa mga tila patutsadahan ng Kapuso star na si Liezel Lopez at ng ina naman ng anak ni Kristoffer Martin na si AC Banzon sa social media.

Tinawag na easy target ni Liezel si AC at tinawag naman ni AC na “pa-victim” si Liezel. Nachi-cheapan ang mga netizen at tinawag pang mga “Da Who” ang mga ito.

Sey ng ilang comment, “Cheap niyo. Online agawan.”

“Ang cheap ng mga starlet pati yung isa na tumanggap ulit ng basura.”

“Grabe sila! Sana naman pagsabihan ng management ang lakas maka cheap. Nasa Voltes V pa naman to si girl.”

“Online sabong.”

Habang si Kristoffer, ang mga nakaraang tweets, nandiyang ang saya niya raw kesyo nakita na raw niya ‘yung nawawalang sarili niya. At nakakahinga na raw siya ng maluwag, huh!

At kung ang dalawang babaeng naugnay o nauugnay pa rin sa kanya ay naka-focus sa pagpapasaringan, si Kristoffer naman, may kasama pang picture niya habang nasa gym ay nag-tweet nang, “Focus on rebuilding yourself.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.