Amok sa tren; 15 nasaksak, 1 patay

By

Isa ang patay habang nasa 15-katao pa ang sugatan matapos ang nangyaring pananaksak sa metro train station sa Iran.

Sa ulat, patay ang isang lalaki na nanaksak ng apat na biktima sa metro station Shahr-e-Rey metro station south ng Tehran.

Base sa ilang saksi, nakitang inatake ng nasawing suspek ang isang cleric kung saan agad namang sumaklolo ang iba pang pasahero ng tren subalit ang mga ito rin ay pinagsasaksak.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na agad namang itinakbo sa pagamutan.

Hinikayat ng mga security forces ang suspek na sumuko subalit ito ay nanlaban, kaya binaril na ikinasawi nitio.

Itinanggi ng mga awtoridad na may koneksyon sa terorismo ang natu­rang na insidente. 

SHARE