Una sa Balita

‘Amo’ nina Derek, Brillante, pinatatanggal sa Netflix

Akbayan, FLAG, DAKILA sama-sama

By
0 7,244

Tapos na ang kontrata ni Derek Ramsay sa TV5 matapos magpatali ng anim na taon. Pormal siyang nagpasalamat sa TV5 President Chit Reyes na pinost niya sa kanyang Instagram.

“Thank you TV5 for 6 great years. Thank you for trusting and believing in me. The projects and memories here will always be cherished. You always made me feel that I am truly family,” bahagi ng caption ni Derek sa pic kasama si Reyes at manager niyang si Jojie Dingcong.

Sumabay sa pagpapaalam ni Derek ang magkakasunod na panawagan sa Netflix na kanselahin ang TV5 produced series na Amo na kanyang pinagbibidahan. Ito ang unang Filipino series sa Netflix na tumatalakay sa drug war at mula sa direksyon ni Brilliante Mendoza, supporter ni President Digong Duterte.

Unang naglabas ng petisyon na kanselasyon ang Amo ng isang Luzviminda Siapo, ina ng 19 years old na si Robert Siapo na napaslang kaugnay ng umano’y pagbebenta ng marijuana. Nakalikom na ang ina ng signatures para sa petisyon niyang ito.

Kasunod nito ang demand ng human rights advocates na itigil ng Netflix ang paglalabas ng series. Kabilang sa nanawagan ang grupong Akbayan Group, Free Legal Assistance Group (FLAG) at DAKILA organization.

Wala pang tugon si Mendoza, ang Netflix at TV5 sa magkakasunod na panawagan tungkol sa pagpapatigil ng series.

Ex-Battalion dinenggoy sa La Union

Pinangalanan na kahapon ni Arnold Clavio sa programa niya sa DZBB, kung anong festival ang hindi nabayaran ang grupong Ex-Battalion. Hindi ito ‘yung festival sa Masbate kung saan nag-perform din ang rap group na pinost ng manager nilang si Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram.

Binuking ni Igan (tawag kay Arnold) na sa Poro Point ginanap ang festival sa bandang San Fernando, La Union.

Hawak na raw ng grupo ang bayad sa kanilang tseke. Pero may away politiko ang dalawang tao na sangkot sa isyu kaya hindi naresolbahan ang problema sa bayaran.

Panawagan ni Arnold, bayaran na ang Ex-Battalion dahil present naman sila at nakapag-deliver ng magandang show na nagustuhan ng manonood. Sabi pa ni Igan, hindi puwedeng pairalin ang linya sa kanta ng grupo na, ‘Hayaan mo sila…’ pera ang sangkot dito at paghahatian pa ito ng grupo.

Wala pang reaksyon ang manager ng Ex-B na si Ai Ai delas Alas tungkol sa pangyayari.