Una sa Balita

Amnesty International binawi ang parangal kay Aung San Suu Kyi

0 284

Binawi ng Amnesty International ang iginawad na Ambassador of Conscience Award sa lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.

Nakuha ng de facto leader ng Myanmar ang nasabing award noong 2009, habang siya ay nasa house arrest.

Ayon sa rights group, labis ang pagkadismaya nila sa Nobel peace prize winner dahil sa pananahimik nito sa isyu ng Rohingya minority, kung saan tinatayang 700,000 ang lumikas upang maiwasan ang military crackdown.

“We are profoundly dismayed that you no longer represent a symbol of hope, cou­rage, and the und­ying defence of human rights,” ayon kay Secretary General Kumi Naidoo.

“Her denial of the gravity and scale of the atrocities (against the Rohingya) means there is little prospect of the situation improving,” dagdag ng opisyal ng Amnesty International.

Inanunsiyo ng organisasyon ang pagbawi ng award kay Suu Kyi sa ikawalong taon na anibersaryo ng paglaya nito mula sa house arrest.