Una sa Balita

Ammons balik PBA para sa NorthPort

0 339

MAY nakita si coach Pido Jarencio kay Mychal Ammons na aniya ay makakatulong sa kampanya ng NorthPort sa PBA Governors Cup.

Salang agad ang Batang Pier laban sa Rain or Shine sa second game ng double-header sa opening day sa Biyernes, Sept. 20, sa MOA Arena.

Nakalistang 6-foot-5, ‘di kasing-taas ni Ammons si Prince Ibeh pero may pagkakatulad sila.

Si 7-footer Ibeh ang isinagupa ng NorthPort nitong nakaraang Commissioner’s Cup at tumapos ng franchise-best second place sa eliminations ang Batang Pier pero kinapos sa San Miguel Beer sa quarters.

“Para siyang si Prince Ibeh na tutulong sa team,” ani Jarencio. “Kung ano ‘yung kulang ng team, tutulungan niya tayo doon especially on defense, hustle and quickness.”

Napansin na ‘yun ni Jarencio noon kay Ammons nang unang maglaro ang South Alabama standout sa TNT sa parehong tournament noong 2016.

Pumalit kay Mario Little sa KaTropa, nag-average su Ammons ng 14.75 points, 12.9 rebounds at 1.5 blocks sa 12 laro.

“Meron akong nakita sa kanya na p’wede niyang itulong sa team,” dagdag ng coach. “Hindi siya ‘yung spectacular na i-i-score ng malaki pero he can help us out in the other departments.”

Tapos sa TNT, naglaro din si Ammons sa Argentina, Qatar at Mexico kung saan siyang naging All-Star, kampeon sa Tijuana Zonkeys at naging Finals MVP pa. Sa 37 games sa Mexico, nagsumite si Ammons ng 16.7 points, 8.5 rebounds at 2.8 assists. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy