Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ammonia muling tumagas sa ipinasarang Ice plant

0 108

Nabulabog ang mga residente sa isang lugar sa Navotas City matapos na muling tumagas ang ammonia mula sa isang planta ng yelo rito noong Sabado ng gabi gayung mahigit dalawang buwan na itong ipinasara ng pamahalaang-lungsod dahil sa parehong insidente.

Sa report ni P/Cpl. Dandy Sargenton, naglilinis ng natirang dumi sa tubig si Roey Ganzo, ang in-charge sa maintenance ng Masimpan Ice Plant and Cold Storage Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng M. Naval St., sa Brgy. NBBS Kaunlaran nang malanghap niya ang masangsang na amoy ng ammonia sa loob ng residential area ng nasabing planta bandang alas-nuwebe ng gabi.

Agad itong humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang pulis dahilan para mabilis na nakaresponde ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4, at Navotas Bureau of Fire Protection (BFP).

Samantala, nagtataka umano ang BFP sa muling­ pagtagas ng ammonia sa planta gayung ipinasara ito ng pamahalaang-lungsod nitong Abril 5 dahil sa parehong insidente na nagresulta sa pagkasawi ng isa nitong empleyado at pagkaka-ospital ng 15 iba pa.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente para panagutin ang responsable sa nangyari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.