Una sa Balita

Amiyendahan ang economic provision ng Konstitusyon — Estrada

0 1,441

Kailangang maamiyendahan na ang 1987 Constitution upang mabago ang mga lumang economic­ provision nito, ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada.

Naniniwala si Estrada na ang mga lumang probisyon sa Konstitusyon ang nagiging balakid sa tuluyang pag-asenso ng bansa kaya’t hindi makapasok ang malalaking foreign investment.

“Ako tingin ko sa economic­ provision. Kagaya ng sinabi ni Sen. (Juan Ponce) Enrile, we have to open our foreign investments sa ating mga kapitalistang dayuhan kasi hindi naman kakayanin ng mga Pilipinong mag-isa.” Katuwiran ni Estrada.

“Kailangan siguro natin ng kaunting tulong sa mga dayuhan. I-open na natin. Sabi nga ni Manong Johhny, globalization na tayo. Buksan na natin,”dagdag pa ng anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.

May agam-agam naman si Jinggoy sa mga nagsusulong ng Cha-cha upang maisakatuparan ang federalism sa bansa.

Binanggit ng dating alkalde ng San Juan na malaking pera ang gugugulin para sa pagsasakatuparan ng federalism, gayung maayos naman ang kasalukuyang set-up ng sistema ng gobyerno sa bansa.

“Tungkol sa usaping federa­lism, ang kinatatakutan ko lang dyan, saan tayo kukuha ng napaka­laking pera para i-implement ang federalism. I think we have to spend billions of pesos para mapalitan ang form of government natin,” katuwiran pa ni Jinggoy.

Mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, isinusulong na niya ang paglipat sa federal type of government.

Subalit makalipas ang tatlong taon, tila nagbago na ang diskarte ni Pangulong Duterte makaraang ipahiwatig niya noong nakaraang linggo na mas importante ang pag-amiyenda ng economic provision ng Konstitusyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy