Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Amit tinumbok ginto sa bilyar

0 75

SINAGIP ni Rubilen “Bingkay” Amit ang nanlamig na kampanya ng Pilipinas sa paghablot sa tanging gintong medalyang napanalunan ng bansa Martes sa pagwawagi sa Women’s 9-Ball Singles kontra Jessica Tan ng Singapore sa Ha Dong Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Hindi binigyang tsansa ng dating two-time World 10-Ball champion at kasalukuyang nagtatanggol na kampeon na si Amit sa race-to-seven na kampeonato si Tan matapos agad nitong iniwanan simula sa salyahan tungo sa paghugot sa dominanteng 7-2 panalo.

Ang ginto ay kabuuang ikalima ni Amit sa 9-ball singles habang mayroon din itong isa sa doubles na ipagtatanggol din nito kasama ang kakampi na si Chezka Centeno.

Unang ginto naman ito para sa koponan ng billiards.

Nakatakda namang magsagupa para sa gintong medalya sina Carlo Biado at Johann Chua sa men’s 9-ball gold.

Tinalo ni Biado ang ranked No. 1 sa WPA na si Aloysius Yapp 9-7 habang pinatalik si Chua si Lian Han Toh, 9 -3. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.