Una sa Balita

Amin pa rin ‘yan! – Rondina

0 253

UBUSAN ‘TO!

Game 3 Finals ngayon:
(Mall of Asia Arena)
3:00pm — Ateneo vs UST
(Series tied 1-1)

NABAWIAN sa Game 2, pero optimistiko si Most Valuable Player (MVP) Sisi Rondina na Golden Tigresses pa rin ang tatanghaling kampeon ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

“Ako sa sarili ko, opinyon ko talaga, kami lumaban kami although we have lots of lapses,” pahayag ni Rondina na may 22 puntos laban sa naturang kabiguan kontra Ateneo.

“Sabi ko, di tayo susuko. Di pa natin nakukuha pangarap natin. ‘Di tayo talo kasi nanalo tayo nung Game 1. Game 3, lubusin nating lahat,” paliwanag nito. ’Di ko na papalagpasin. Sabi nga, whatever it takes. Dun at dun na lang talaga so push na lang hanggang matapos ang ligang ito.”

Taya pati pato’t panggulo si Rondina at buong University of Sto. Tomas (UST) sa ‘no tomorrow’ Game 3 finals alas-3 Sabado ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Muling makakatuwang ni Rondina ang Rookie of the Year na si Eya Laure, na nagtamo ng mild sprain sa Game 2.

“Thankful pa rin kasi ‘di ganun kalala nangyari kay Eya. Alam kong babawi kami, it’s just a bad game,” saad pa ni Rondina.

Bukod kay Laure, makakatuwang din ni Rondina para sa Golden T­igresses sina setter Alina Bicar, middle blockers Caitlyn Viray at Kecelyn Galdones at rookie Ysa Jimenez. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy