Una sa Balita

Amihan at Pirena, magpapatalbugan sa Lip Sync!

By
0 11

Ngayong gabi ay magsisimula na nga ang mainit na gitgitan sa pagitan ng Encantadia sisters na sina Amihan (Kylie Padilla) at Pirena (Glaiza de Castro) sa pagkuha ng korona.

Pero hindi sa magical world ng Encantadia kundi dito sa mundo ng mga tao—specifically sa stage ng Lip Sync Battle.

Bongga nga ang labanang ito, dahil parehong palaban ang dalawa. Papatalo ba si Pirena na kilala ring mahusay kumanta at sumayaw, kay Amihan, na palaban din sa dance floor, at kantahan din.

Well, samahan nga­yong gabi sina Michael V. at Iya Villania na alamin kung sino ang winner sa kanila sa Lip Sync Battle PH.

Regine, nakahanap ng pamilya sa ‘Poor’!

Para kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, hindi lang isang inspiring show ang Poor Señorita kundi isa itong malaking blessing dahil nagkaroon siya ng pamilya sa industriya.

Kaya naman sa pagtatapos ng kanyang well-loved romantic comedy series last Firday, hindi maiwasan ni Regine na maging emosyonal.

Sa katunayan, sa kanyang Instagram post, binahagi ng aktres na mananatiling mahalaga sa kanya ang team na nakatrabaho niya sa show.

“Isa sa pinakamasayang nangyari sa amin is hindi lang team ang nabuo namin kundi family—from the writers, staff, co-actors, lalo sa mga batang lagi kong kaeksena.”