Una sa Balita

Amerikano todas sa condo

0 279

NAKABULAGTA at wala nang buhay nang matagpuan ang isang American national sa loob ng kanyang condominium unit sa Mandaluyong City, kamakalawa nang umaga.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang nasawi na si James Robert Cummings Jr, 57-anyos, residente ng Coronado St., Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-kuwatro Sabado nang madaling-araw sa loob ng kanilang inuupahang condo unit makaraang makita ng ka-live in partner nito na si Shirley Delloso, nasa hustong gulang, na naka­bulagta sa sahig ang asawa.

Ayon kay Delloso, uma­lis siya ng kanyang condo bandang alas-11:00 Biyernes nang umaga para pumasok sa trabaho at pagbalik ng bahay ng Sabado ng alas-kuwatro nang mada­ling araw ay nagulat siya sa nakitang nakahiga sa sahig ang asawa.

Agad na humingi ng tulong ang biktima at ipinaalam ang nadatnang bangkay ng asawa.

Base sa pagsisiyasat ng EPD-SOCO Team, wala silang nakitang signs of struggle sa bangkay ng biktima na hinihinalang inatake ito sa puso ngunit sa kabila nito ay iniimbestigahan pa rin ang live-in partner na posibleng may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy