Una sa Balita

Amerikana timbog sa pagdukot

By
0 5

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng US national na wanted sa Estados Unidos dahil sa pagdukot sa dalawang anak nito.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nasabing dayuhan na si Ana Centillas Lorri­gan, 57, na naaresto ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales.

Kasalukuyan nang isinasaayos ang papeles nito para maipatapon pabalik ng US dahil sa pagi­ging undocumented alien makaraang mag-expire ang pasaporte nito at ng dalawang anak nito.

Una nito, ipinaalam ng US Embassy sa Manila sa BI na si Lorri­gan ay wanted sa bansa nito at may kinakaharap na kasong international parental kidnapping sa US district court sa southern California.

“She will then be placed in our immigration blacklist to prevent her from returning to the Philippines,” sabi pa ni Mang­robang.