Una sa Balita

Amerikana habambuhay kulong sa napatay na mag-lolang Pinay

0 359

HINATULAN ng 19 na taon hanggang habambuhay na pagkabilanggo ang 28-anyos na Amerikana na nakabangga at nakapatay sa isang mag-lola at malubhang ikinasugat ng isa pang miyembro ng isang pamil­yang Pinoy sa Tulare county sa California.

Ibinaba ng Tulare county judge ang hatol laban kay ­Cheyenne Wyllie matapos na baguhin nito ang not guilty plea na inihain sa hukuman nang basahan siya ng sakdal para sa kasong two count of second degree murder at driver under the influence causing injury.

Marso 2016 nang salpukin ng sasakyan ni Wyllie ang van ng mga biktima na ikinamatay ng mag-lola na sina Angelita Espinosa, 69, at Jamie Espinosa, 10.

Malubhang nasugatan naman sa insidente si George Espinosa, ama ni Jamie at anak ni Angelita.

Pabalik na sana ng Las Vegas ang pamilya Espinosa ng maganap ang aksidente sa Spacer Drive sa Avenue 200 sa Tulare, California

Sa imbestigasyon ng California Highway Patrol, lumalabas na lasing sa alak si Wyllie ng unang banggain nito ang stop sign sa naturang lugar bago sinalpok ang sasakyan ng pamilya Espinosa

Napag-alaman din ng mga imbestigador na lasing si Wyllie nang maganap ang aksidente batay sa mga text message nito sa kanyang mga kaibigan at pamilya. (Dave Llavanes)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy