Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Amerika tiklop kay Duterte: AFP bibigyan 10 chopper

0 189

Tiwala si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na mananatili ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa kabila ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na wawakasan ito kung hindi magbabayad ang Amerika.

Sa Laging Handa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Romualdez na mayroong taunang bilateral strategic meeting ang National Security Advisor ng White House at nakausap nila si Jake Sullivan.

Napag-usapan aniya ang VFA at Mutual Dense Treaty kung saan mayroong commitment ang Amerika na ibigay ang mga armas at military hardware na kailangan ng bansa.

“Mayroon kaming nakuhang lista na ibinigay sa amin ng Pentagon. Ikinumpara namin sa listed na ipinadala nila kay [Defense] Secretary Lorenzana at mukhang sapat naman lahat ng hinihingi natin,” ani Romualdez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maraming pang darating na armas aniya na kailangan ng bansa mula sa Amerika at umaasang matugunan ang mga sinabi ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Hopefully nakita na ng Presidente iyong listahan aky Secretary Lorenzana, and that would probably satisfy the President’s concern regarding itong pag-modernize ng ating Armed Forces,” ani Romualdez.

Kabilang aniya sa mga inaasahang darating sa bansa mula sa Amerika ngayong taon ay 10 Blackhawk helicopter.

Matatandaang nagbanta ang Pangulo na tatapusin ang VFA sa Amerika kung ayaw nitong magbayad sa paggamit ng mga pasilidad sa bansa. Pero hindi aniya pera ang kailangan ng Pilipinas kundi mga kagamitan na sakaling magkaroon ng banta laban sa ibang bansa. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.