Una sa Balita

Amerika nakaabang sa supply ng baboy sa ‘Pinas

0 251

SAPAT ang suplay ng baboy sa Pilipinas para sa tatlo hanggang apat na buwan at hindi nito kinakailangang mag-angkat.

Ito ang sabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) sa kabila ng pananakot ng National Pork Producers­ Council (NPPC) ng Estados Unidos na magkakaipitan ng suplay ng baboy sa Pilipinas.

Sabi ni Sinag chair Rosendo So, mas mahalagang pangalagaan ang lokal na industriya ng baboy na nagkakahalagang P416 bilyon kaysa magpadala sa pananakot ng National Pork Producers Council ng Estados Unidos na atat na atat nang mag-export sa Pilipinas ng baboy.

Mas mahalaga ang P416 bilyong industriya ng baboy sa bansa kaysa sa P2.6 bilyong baboy na inaangkat mula Estados Unidos, dagdag pa ng Sinag.
Imbes na kulitin ng NPPC ang Pilipinas na huwag mag-ban ng pag-aangkat ng baboy, bakit hindi na lang nito ibenta ang mga baboy nito sa China kung saan malaki ang kakulangan.

“The NPPC can export their pork to countries that has a shortage of pork products like China,” sabi ng Sinag.

Ayon sa SINAG, base sa datos ng Bureau of Animal Industry, hindi problema ngayon ang pagkukuhanan ng baboy dahil marami pang imbentaryo sa mga cold storage at hindi pa kasama sa bilang ang mga naipupuslit o ang mga smuggled na pork product.

Paalala pa ni So, hindi naman magkakaroon ng African Swine Flu sa Pilipinas kung hindi dahil sa mga pork product ng ibang bansa na pumasok dito. Dagdag pa niya, ang mga local hog raiser ang nagsama-sama at nagtulong-tulong para alalayan ang mga tinamaan ng ASF na mga backyard hog raiser sa Rizal at iba pang lugar.

Samantala, dumulog na ang Department of Agriculture sa National Disaster Risk Reduction and Management Council para agad nang makalatag ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng ASF, pitong linggo matapos unang makapasok ito sa bansa.

Ayon sa DA-CMTF on Swine Bulletin No. 6, mag-uumpisa nang magpulong ang National ASF Task Force para maisaa­yos ang inter-agency coordination kasama na ang mga local government unit at ang private sector.

Gagastusin na nito ang P78 milyong emergency fund para sa paglaban sa ASF sa biosecurity at quarantine operation, disease monitoring at surveillance, pati na sa pag-upgrade ng mga laboratory at capacity building.­ (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy