Una sa Balita

‘America’s Got Talent: The Champion’ Angelica dehado sa laban kina Susan, Paul

By
0 1,319

Habang patuloy ang “America’s Got Ta­lent: The Champion,” maraming Pinoy fan ang kinakabahan sa chance na manalo ang ating panlaban na si Angelica Hale.

Hindi puwedeng isnabin ang bonggang performance niya sa finals kung saan kinanta niya ang “Impossible” at muli siyang nakakuha ng standing ovation mula sa mga hurado at sa audience.

Tapos na ang 12 performance kung saan hindi lamang ang mga singing performance ang nakita kundi ang iba’t iba pang act.

Merong ventriloquist, may opera singer, may sand artist, may magician at kung ano-ano pa.

Sa mga singer, ang pinamalakas na kalaban ni Angelica ay ang opera singer na si Paul Potts na dalawang beses binigyan ng standing ovation. Si Kechi Okwuchi at siyempre pa, ang popular na si Susan Boyle.

Sa February 18 na ang final night nito kung saan ia-announce ang winner, kaya karamihan sa mga Pinoy fan ay having goose bumps kung patataubin nga ba ni Angelica ang iba pang champion na talaga namang lahat ay nagpakitang gilas.

Kung pagbabasehan ang ilang prediction, lumalamang ang ventriloquist na sinusundan naman ng magician, pero sa mga comment section ng mga ito, hindi naalis ang pangalan ni Angelica na marami ang nagru-root for Angelica na hindi lahat ay mga Pinoy.

Marami rin naman ang pinahanga ni Angelica na hindi natin mga kalahi, pero siyempre, it’s still a call mula sa mga huradong sina Simon Cowell, Heidi Klum, Mel B and Howie Mendel, sa mga superfan at delegate mula sa 50 states ng America.

Suntok sa buwan ang pagiging AGT champion ni Angelica lalo na nga’t kapag may kasamang botohan mula sa madlang pipol ay lagi na tayong dehado, pero, sabi nga ni Rufa Mae Quinto, “go, go lang,” at “fight, fight, fight!”

Glaiza, Irish BF maglalamyerda sa Ireland

Muli na naman daw magbabakasyon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na mahilig talagang mag-travel kaya nga naisipan nitong magtayo ng sarili niyang travel agency.

Ang pagkakaalam namin ay Ireland ang kanyang next destination dahil first time niyang makakapamasyal doon na isa rin sa mga may magagandang tourist spot sa mundo. Karamihan ng mga lakad niya ay may kakaibang purpose talaga siya bukod sa mag-explore.

Nu’ng nasa Nepal sila ni Ange­lica Panganiban, parang naging isang religious pilgrimage ito na siya ring ginawa niya sa huling biyahe niya sa Japan.

Ang biyahe naman niya sa London ay para maghanap ng isang music school kung saan plano niyang mag-enroll for a crash course.

Noong mag-Singapore naman siya, ‘yun ay para naman mapanood ang paborito niyang K-Pop group. Pero, itong pag-alis niya pa-Ireland, para saan naman kaya?

Well, nali-link nga siya ngayon sa isang Irish surfing instructor na si David Rainey, kaya ang kanyang mga tagahanga ay naisip na baka para magkaroon sila ng quality time together.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More