Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

American Factor walang umubra

0 128

IPINAKITA ni American Factor ang tulin nito sa arangkadahan matapos ang wire-to-wire finish sa Condition Race Merged (10) nitong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sakay si jockey Pabs Cabalejo, parang sibat na sinunggaban ni American Factor ang unahan paglabas ng aparato.

Binaybay ni American Factor na mag-isa ang unahan kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay nasa apat na kabayo pa rin ang lamang nito sa humahabol na sina Doc Boy at Magtotobetsky.

Nirehistro ni American Factor ang 1:27.6 minuto sa 1,400-meter race, tinawid nito ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Doc Boy.

Tersero si Magtotobetsky, pang-apat si Kid Baloloy habang pang-lima si The Accountant sa event na suportado ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Samantala, pitong races ang ilalarga ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.