Una sa Balita

American biologist ehemplo sa clean-up drive sa Davao City

0 402

SANHI ng kawalan ng aksiyon ng mga opisyal ng barangay sa kanyang komunidad ay pinanguna­han ni Davao City-based American biologist Darrell Blatchley ang paglilinis sa baradong drainage sa Brgy. Bucana, Davao City.

Gayunman, ilang araw ang nakalipas, marami ng taong tumulong sa paglilinis, maging ang mga media outlet at lokal na pamahalaan ng Davao.

Nabatid na si Blatchley, may-ari ng D’ Bone Museum, isang kakaibang koleksiyon at display ng impormasyon para sa mga marine at land animal ay una nang lumapit sa mga opisyal ng Brgy. Bucana para tugunan ang problema sa waste management.

“The barangay does not enforce the laws– from sidewalk vendors to no business permits and construction,” ayon kay Blatchley.

Nabatid na nag-post rin siya sa social media ng larawan ng kanal sa may harap ng museum na nagpapakita ng mga kalat ng basura pero walang naglilinis.

Sa naturang post isa ang nagkomento at hinamon siya na linisin ito at tinanggap niya ang hamon na linisin ang baradong drainage malapit sa isang karinderya.

Nabatid na ang basura mula sa karinderya at iba pang mga bahay ay itinatapon lamang umano sa gutter na isa umanong paglabag sa umiiral na batas.

“The problem is lazy people. From barangay captains who don’t enforce the laws and sit in their offices to the lazy people who see canals as the trash can. It’s a nation’s problem,” dagdag pa ni Blatchey.

Nang makita ang kanyang ginagawang mini clean up drive, tumulong na rin ang mga miyembro ng Davao City Disaster Team at iba pang mga media outlet.

Kinabukasan marami pang kalalakihan ang dumating at tumulong para malinis ang baradong drainage at gutter sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy