Una sa Balita

Amer, Durham, Meralco ginilitan ang Alaska

0 224

ITINALA ng Meralco Bolts ang ikalawang panalo matapos ihulog pang lalo sa dulo ang Alaska Aces sa paghugot sa 101-74 pagwawagi sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Sinandigan ng Bolts ang mainit na paglalaro ni Baser Amer na nagtala ng 27 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 1 steal habang mayroon itong 6-of-11 sa 3-points tungo sa pagtatala ng 2-1 panalo-talong record.

“Bounce back siguro. Galing kami sa pagkatalo, medyo maganda ang naging start ng team saka sobrang suwerte lang din, pumapasok din ang mga tres kaya itinuloy ko lang,” sabi ni Amer.

Katuwang ni Amer ang import na si Allen Durham, pinaglaruan ang triple double sa ikinamadang 25 markers, 15 rebounds at siyam na assists.

Naghulog ng apat na tres sa kanyang kabuuang lima si Amer sa ikatlong yugto tungo sa pagtatala ng 14 na puntos upang itulak ang Bolts na makawala sa unang naging mahigpitang laro.

Itinala ng Bolts ang 18 puntos na abante sa ikatlong yugto, 70-52, matapos na ibuhos ang 27-17 atake.

Nagawa muna ng Aces itala ang tatlong puntos na abante sa unang yugto sa huling 32 segundo, 21-18, mula sa dalawang free throw ni Chris Banchero.

Gayunman, nalimitahan ang Aces sa ikalawang yugto sa kabuuang 15 puntos lamang habang hinayaan ang Bolts sa paghulog ng 23 puntos upang mapag-iwanan sa 37-43 sa pagtatapos ng unang hati. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy