Una sa Balita

‘Ambush me’ itinanggi ni Atong

By
0 2

Pinasinungalingan ng gambling lord na si Charlie ‘Atong’ Ang ang alegasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagpaplano siya ng isang “ambush me” bilang bahagi ng destabilisasyon sa Duterte administration.

Sinabi ni Ang na malaking kalokohan lang ito at gawa-gawa lamang ni Aguirre dahil maaari niyang ikamatay ang isang pekeng ambush.

Malamang umano na napapanood lamang umano ni Aguirre ang ganitong mga eksena sa pelikula.

Una nang pinaratangan ni Ang sina Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon na pinaplano siyang ipapatay upang maipasok ang STL operation sa Cagayan.

Itinanggi rin ni Ang na kasama siya sa anumang planong destabilisasyon sa administrasyong Duterte.