Una sa Balita

Ambag ng kabataan para sa mas ligtas na kinabukasan

0 547

Marami-rami na rin tayong kuwentuhan tungkol sa mga nakikilala namin sa tuwing bababa kami sa mga komunidad para sa ating Angat Buhay program. Tuwing linggo, naghahatid kami ng mga kuwento ng tagumpay hindi lang ng ating programa, kung hindi pati na rin tagumpay sa pakikipaglaban sa kahirapan ng ating kababayan. 

Bahagi ng Angat Buhay program ang Angat Buhay Youth (AB Youth) kung saan tinututukan ni VP Leni Robredo ang kabataan para mamulat at magsilbi sa bayan. 

Noong 2017, ginanap ang AB Youth kung saan pinagsama-sama ang halos 50 na organisasyon ng kabataan. Dito, sumailalim sila sa dalawang araw na workshop para matuto kung paano paandarin ang mga proyektong nais nilang simulan na makakatulong sa kanilang mga komunidad. 

Sinundan pa ito ng dalawa pang AB Youth Summit sa Mindanao at sa ARMM noong nakaraang taon. Batid ni VP Leni ang laki ng panga­ngailangan ng mga komunidad, at para ating tuluyang matalo ang kahirapan, ika nga nila, ‘all hands on deck.’

Malaki ang pagkilala­ natin sa kakayahan ng kabataan para makatulong sa sarili nilang komunidad. Naniniwala tayo na dahil nararanasan nila ang mga kakulangan at alam nila ang mga pangangailangan ng kanilang bayan, alam rin nila kung paano ito bibigyan ng solusyon.
Kaya’t sa mga AB Youth summit na naganap, ang mga napiling proyekto ng mga youth organization ay binigyan ng seed money para matulungang makapagsimula. 

Nitong nakaraang Peb­rero, muling tinipon ni VP Leni ang mga nagsipagtapos sa AB Youth Summit para kamustahin ang kanilang mga proyekto. At dito, nakita namin na hindi limitado ng edad ang pagtulong sa kapwa at sa bayan. Tinawag itong AB Youth: Padayon—na ang ibig sabihin ay ‘to continue’ or ‘to move forward.’

Katulad nalang ng proyekto ng Oro Youth Development Council ng Cagayan de Oro City na tugon sa problema ng human trafficking sa kanilang probinsya. 

Malaking issue ang human trafficking sa CDO, at ang pinakara­ming nabibiktima nito ay ang kabataan. Ito ang dahilan kung bakit inilunsad ang KA’YO: Anti-Human Trafficking Campaign.

Kuwento ni Vench Mier, isang estudyante at miyembro ng Oro Youth Development Council, “KA’YO started after sa issue ni Peter Scully. Dahil sa mga ganitong kaso, ito ang naging parang drive namin para magprovide ng kahit papano, contribution para ma-lower natin ang incidents of human trafficking in CDO.”

“KA’YO as a project, simpleng-simple lang, pero malaki ang pangarap namin for this project,”­ sabi ni Vench. “It’s a training of trainers­ ng mga out-of-school youth (OSY). 50 OSY participants from diffe­rent barangays in CDO. OSY ang naging target namin kasi sila ang pinaka-vulnerable in terms of human trafficking. Aside from that, gusto naming madivert sila on environments where they can be trafficked.”

Nagsimula ang Oro Youth sa 50 na kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa CDO at pinalawak ang kanilang kamalayan tungkol sa human trafficking. Matapos nito, ibinahagi naman ng mga kabataang ito ang kanilang bagong kaalaman sa kani-kanilang mga barangay.
Ito ang hangarin ng OTO Youth—ang maturuan ang kabataan, lalo na ang mga OSY kung paano makakatulong mapigilan ang pag-usad ng human trafficking sa kanilang bayan. 

“Cagayan de Oro is second in Mindanao, and third in the Philippines in terms of cases of human trafficking,” dagdag ni Vench. “Kasi geographically, CDO is parang transport hub of Mindanao and kung gusto mong pumasok sa any part of Mindanao, usually dadaan ka sa CDO.”

“Kaya kailangan talaga na labanan namin ito. Even for us na mga kabataan, kami ang target. So if we can work on it together and do something about it, may tulong naman like itong AB Youth Summit and from VP Leni, bakit hindi namin gawin? In our simple way, I’m sure nakaprevent na kami ng mga naging biktima sana ng human trafficking.” 

Napakabigat na tema para sa kabataan ang human trafficking, pero nakakabilib na sila mismo ang patuloy na gumagawa ng paraan para pigilan ito—bagay na puno’t dulo kung bakit may AB Youth Summit.

“Our partnership did not end with the Angat Buhay Youth [Summit in 2017]. It was just the culmination of the beginning, but our partnership is really a continuing thing, ‘di ba,” sabi ni VP Leni sa kanila noong Pebrero. Simula pa lang kasi ito ng marami pang pagtutulungan para sa mas maganda, mas ligtas,­ at mas maliwanag na bukas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy