Una sa Balita

Amb. Wee tinaas sa ₱6M ang pabuya sa Asiad gold

By
0 429

UMABOT na sa P6 mil­yon ang magiging insentibo ng Filipinong atletang mananalo ng gold medal sa kasalukuyang ginaganap na 18th Asian Games 2018 sa Jakarta City at Palembang City sa Indonesia.

Inihayag ito kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Victorico ‘Ricky’ Vargas (kanan) nang bisitahin niya si Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hoong Wee sa ta­hanan nito sa Jakarta.

Maghahandog ng karagdagang P1M si Amb. Wee sa mga Pinoy Asiad­ gold meda­list bilang pagsuporta sa liderato ni Vargas sa POC.

Unang inihayag ni Vargas na magkakaloob ang POC ng halagang P2M sa gold winner, P.5M sa silver medalist at P250,000 sa bronze.

Maghahandog naman ang Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ng P2M din sa gold,  P1M sa silver at P400,000 sa bronze.

Samantalang magbibigay si Siklab Atleta chairman at Presidential Adviser on Sports Dennis Uy ng P1M sa gold, P500,000 sa silver at P250,000 sa bronze.