Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Amatz’ ni Shanti Dope Top 10 sa Billboard World Digital Sales

0 48

Kabog kung kabog ang achievement ni Shanti Dope, ha!

Ang inaasam ng maraming singer na Pinoy, nakuha ni Shanti Dope, ha!

Makikita sa Instagram ni Shanti Dope ang post na…

“Billboard…

“All Charts…

“World Digital Sales (April 17, 2021)

“10 Amatz Shanti Dope

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Last 10 Peak 1 Weeks…”

At heto nga ang caption niya, “Araw-araw amatzzzzz!”

Kaya sabi ng mga fan, ang bangis talaga ni Shanti Dope. Na kesyo, ‘itinaas na…itataas pa…”

Hirit pa ng iba, ‘Ramdam na ng mundo ang Amatz.” “Ganiyan kalakas ang Amatz.”

Siyempre, proud na proud ang mga fan sa achievement na ito ni Shanti Dope. Karangalan ngang malaki na mapabilang ka sa Top 10 World Digital Songs Sales chart.

Anyway, ginamit nga ang ‘Amatz’ sa Marvel Studios na ‘The Falcon And The Winter Soldier’.

Congrats Shanti Dope! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.