Una sa Balita

Amasona ‘di kamag-anak

By
0 8

“Wala kaming kaugnayan.” Ito ang mariing inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa lumabas na balitang kamag-anak nito ang naarestong miyembro ng New People’s Army (NPA) na isang amasona sa Abra.

Sa press statement mula sa Department of National Defense (DND), ang naarestong babaeng miyembro ng NPA na sugatan sa engkuwentro ay distant relative ng asawa ni Secretary Lorenzana.

Ayon kay DND public affairs office chief, Director Arsenio Andolong, may lumabas kasing report na ang naarestong miyembro ng NPA na si Adriel Dawn Aguilar Aquino ay kamag-anak ng kalihim.

Paglilinaw ni Andolong na ang naarestong amasona ay `distant relative’ ng asawa ni Secretary Lorenzana,

Sinabi ni Andolong na sinabi ng kalihim na ang naarestong amasona ay ituring na isang regular member ng NPA kahit malayong kamag-anak ito ng kanyang asawa.