Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Amasona, 4 pa timbog sa Leyte

0 240

Natimbog ng pulisya ang limang miyembro ng New Peoples Army (NPA), kabilang ang mataas na opisyal nito na ikalawa umano sa listahan ng most wanted persons sa lalawigan ng Leyte.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 8 Regional Director Police Brig. Gen. Bernard Banac ang naarestong opisyal ng NPA na si Rosalinda Balasta Esponilla alyas ‘Megan’, 65, secretary ng Front Committee 15 ng CPP-NPA at ikalawa sa most wanted person sa Leyte dahil sa mga kasong terorismo.

Kasama niyang nadakip ang mga miyembrong sina Godofredo Esponilla Capoquian, Inonie Esteria Tagalog, Maria Asim Capoquian at Gregorio Turla Capoquian.

Ayon kay Banac, nadakip ang mga suspek sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa bayan ng Palo kamakalawa.

Nakumpiska sa kanila ang isang kalibre .45 baril, mga magazine at bala nito, isang Improvised Explosive Device (IED), gayundin ang iba’t ibang dokumento ng kanilang samahan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.