Una sa Balita

Amang nagsoli ng iPhone, pinuri sa socmed

0 258

NAGING instant celebrity sa ­social ­media ang isang lalaki matapos ­nitong isoli ang cellphone ng isang babae na higit pitong buwan na palang nawawala.

Bumuhos ang papuri kay Arcel Concepcion Jr. matapos nitong ­isoli kay Cha Buenconsejo noong Hulyo ang iPhone nito, na noong Enero 2018 pa nawala.

Hindi man lang humingi ng reward si Concepcion kay Buenconsejo nang isoli niya ang cellphone kaya’t sa tuwa ng babae ay kinunan na lamang niya ang lalaki habang nag-aabang ng ­sasakyan at ipinost sa Facebook.

Makalipas ang ilang araw, nag-­viral ito sa social media at ang anak ni Concepcion ang nakakita sa magandang komento tungkol sa kabutihang ginawa ng kanyang ama.

Kuwento ni Buenconsejo, Enero pa nawala ang kanyang iPhone nang ma­iwan niya ito sa sinakyang Uber, pero noong Hulyo 22, may nag-text sa kanya at sinasabing nahanap ang kanyang cellphone at gustong makipagkita.

Ayon naman kay Concepcion, nakita niya ang cellphone sa isang bus sa Fairview.