Una sa Balita

‘Amang’ magiging LPA sa susunod na 24 oras

By
0 523

NAPANATILI ng bagyong Amang ang lakas nito matapos na mag-landfall sa Siargao Islands at pa­tuloy itong nagpapaulan sa Eastern Samar kung saan 7 lugar ang nanatili sa ilalim ng Signal No. 1.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) nasa ilalim ng Storm Signal No. 1 ang Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Bi­liran at Leyte.

Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Eastern Visayas, Bicol Region, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate gayundin sa posibilidad ng landslide at pagbaha.

Sinabi na kung hindi magbabago ng kilos ang bagyo ay maaaring humina ito at maging isa na lamang low pressure area (LPA) sa loob ng susunud na 12 hanggang 24 oras.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy