Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Amanda namundok

0 139

AKTIBO pa rin kahit na nagretiro na sport na volleyball si former Philippine SuperLiga star Amanda Villanueva na nag-hike sa Bear Mountain, New York.

Ibinahagi ng dating Sta. Lucia Lady Realtors at BanKo Perlas ace spiker sa kanyang Instagram post ang ilan sa kanyang mga kuhang larawan ng nakakabighaning view ng nasabing lugar.

Inabot rin ng “7 miles and almost 5 hours of hiking,” ang tinahak ni Villanueva upang makarating sa tuktok ng Bear Mountain.

“What a humbling way to welcome the upcoming week. Cheerzo!” sambit pa ng dating balibolista.

Kamakailan, inanunsyo ni Villanueva ang kanyang retirement matapos ang 18 taong paglalaro. (JAT)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.