Una sa Balita

AMA volleyball team papalo sa PSL, Shakeys V League

0 231

Bilang Sports Director ng AMA University, hindi lang basketball ang aking pinapalakas kundi lahat ng sports ng AMA.

Isa na rito ang volleyball na alam natin ay nagiging sikat na rin sa ating bansa gaya ng AMA basketball na may programa mula sa grassroots hanggang PBA D League.

Itong kasalukuyang taong 2019, target namin na sumali sa malalaking liga gaya ng PSL at Shakeys V-League college level at iba pang liga na magiging tulong para lumakas at magkaroon ng karagdagang karanasan ang aming manlalaro sa AMA women’s at pati narin ang men’s.

Hindi nagdalawang-isip ang aming AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V & President Dr. Ama­ble C. Aguiluz IX pati na rin sina Sir Emil Soriano, Sir Jay Villarruz & Sir Jaron Rolloque kaya naman patuloy ang aking pagtulong sa kabataang Pilipino hindi lang sa kanilang pangarap na sports pati na rin ang kanilang libreng pag-aaral sa eskwela na parating pinaalala ng aming AMA Chairman at AMA President.

***

Dumadami ang kalahok sa upcoming PBA-MBT Summer Basketball Tournament 2019.

Programang pampalakasan para sa kabataan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinusuportahan ng Philippine Basketball Association (PBA) at pinamumunuan ng batikang coach ng PBA na si Bonnie Tan.

Kalahok sa nasabing liga ang mga koponan binuo at susuportahan ng mga local government unit at mga club team sa Metro Manila.

Kasali sa 13-Under Division ang aming koponan na 13-Under Elite Team na sinimulan ko noong 2009 pa.

Marami na ring nanggaling dito na mga sikat na gaya ng magkapatid na sina Kobe at Andre Paras, Mathew at Michaela Nieto ng Ateneo, anak ni coach Norman Black na si Aron Black, Jolo Mendoza, Isaac Go ng Ateneo at Jaren Lim ng University of the Philippines.

Ngayon summer, ang 13-Under Elite ay pina­ngungunahan ng aking anak na si Andre Herrera, na siya ring team captain, at si Irus Chua, na siya namang co-captain, at ang naglalakihan at future ng basketball na sina Joaqui Sison at Goef Lopez pati na rin ang pride ng batangas na si Nash Balina.

***

Binabati ko rin ang aking anak na si Andre na isang student athlete ng San Beda University sa kanyang graduation at ang tatay ni PBA D League scoring record na si James Martinez na si Tito Danny Martinez.

Happy graduation din sa matatalinong anak ng aking assistant coach Benjie Diswe na hinakot lahat ng awards na sina Jasmine at Jillian Diswe from Cebu.

***

Nanaginip ako, sino itong coach na parati na lang champion pero parati namang nahuhuling nandadaya. Pero parati na lang white wash at parang walang nangyayari.

Dahil ba may impluwensya?

Bato-bato sa langit, tamaan huwag magalit #PanaginipaLang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy