Una sa Balita

AMA University basketball and volleyball open tryout

By
0 1,226

MAGSASAGAWA ang AMA University sports program, na akin pong pinamumunuan bilang sports director, ng open tryout para sa basketball at volleyball sa grassroots level, kolehiyo at sa semi-pro na AMA ONLINE ng PBA D-League.

May tatlong taon na ang programang ito na aking sinimulan nang pumasok ako sa AMA dahil sa iyon din ang vision nina AMA Chairman Amable R. Aguiluz V at Senior VP Arnel Hibo.

Nais naming ma­bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipakita ang kanilang talento kahit salat sila sa pera para mag-aral.

Pareho kaming tatlo sa adhikain kaya patuloy kaming tumutulong sa mga bata na maabot ang kanilang mga pangarap patungo sa pinakamataas na liga ng PBA na maaari nilang marating bukod pa sa makapag-aaral nang libre at magkaroon din nang maayos na edukasyon.

Hindi lang scholarship ang matatanggap ng basketball at volleyball player kapag napabilang sa AMA. May allowance rin sa mga deserving na makukuhang manlalaro at libreng tirahan para sa mga magmumula sa probinsya.

Magiging magaling ang mga manlalaro dahil maraming torneong sinasalihan sa basketball at volleyball ang AMA teams gaya ng PBADL, NAASCU, NCRAA, Breakdown basketball, Youth basketball, MBBL, Tapang at Malasakit National Basketball and Volleyball Tournament at iba pa.

***

Binabati ko po si Sir Ricky Vargas na nahalal sa nakalipas na buwan, bilang pangulo ng Phil. Olympic Committee.

Wala akong duda na sa pamumuno niya sa organisasyon, magi­ging maganda na ang programa ng POC para umangat ang sports sa bansa.

Magaling din siyang motivator kung makakasama mo. Napatunayan ko ‘yan nang mag-coach ako dati sa Maynilad cage team.

Binabati ko rin ang aking anak na si Kean Miguel Herrera na-graduate na sa darating na Linggo sa Ateneo de Manila University K12 at second honor po siya.

Gayundin ang isa ko pang anak na si Kieffer Andre Herrera na nag-aaral sa San Beda College at gold medalist sa sports