Una sa Balita

AMA U gigilas sa 18th NAASCU

By
0 1,166

MAGSISIMULA na sa Agosto ang inaaba­ngang National Athletic Associa­tion Schools, Colleges and Universities Season 18th (NAASCU). At isa ang AMA University sa orihinal na mi­yembro nito. Bilang AMA sports director, gusto natin na mapabuti ang ating sports program kaya isa ang NAASCU sa mga torneong sinasalihan namin at tampok dito ang 15 sports event na ang founder ay si Dr. Jay Adalem ng St. Clare Caloocan.

Ngayon edisyon, may 16 na koponan ang kasali sa torneo kabilang na ang AMA University, St. Clare Caloocan, Fatima, PCU, CUP, Holy Angel, La Salle Araneta, De Ocampo, New Era, St. Francis, Enderun, RTU at iba pang unibersidad.

Ang maganda sa NAASCU, ito ang pa­ngatlong liga sa College sports, una na ang UAAP at NCAA. Isinahihimpawid ang torneo sa Solar Sports at Basketball TV gayundin sa Facebook Live.

***

Ibinababa na kamakalawa ang malupit na desisyon ng FIBA sa nangyaring basketbrawl sa pagitan ng Philippines at Australia.

Inihayag nga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na kailangan nilang sundin ang na­ging hatol ng FIBA batay na rin sa kolektibong pagpapasya ng naturang organisasyon.

Sampung Gilas players, kasama sina coach Chot Reyes at assitant coach Jong Ui­chico, ang pinatawan ng suspensiyon at fine na binatay ang parusa sa kanilang inasal sa loob ng court at sa pagpasimuno ng gulo, habang tatlo naman sa Boomers kasama na ang multa ng Basketball Australia.

***

Sa mga pangyaya­ring ito, malaking aral ang ating natutunan na kailangang maging mahinahon at pairalin ang disiplina sa paglalaro sa anumang larangang kinaaniban.

Nakakalungkot pero dapat natin sundin ito para sa kinabukasan ng Philippine Basketball.
***

Binabati ko nga pala ang NAASCU foun­der na si Dr. Jay Adalem ng maligayang kaarawan na hangang ngayon ay walang pagbabago si­mula noong unang NAASCU, batang-bata pa rin ang itsura.