Una sa Balita

 AMA Srs 5 magpapalakas para sa D-League

0 480

mark-herrera-mark-my-wordHINDI nag-atubiling sumali na rin ang AMA Basketball Srs squad sa isa sa pinakamatagal na ring college basketball-ang Fr. Martin Cup kung saan magkakalaban ang mga eskwela mula sa UAAP, NCAA at NAASCU.

Bilang Sports director at Head coach ng AMA University, isa sa mga liga na kada taon ay kasali sa programa ko, bukod sa ito rin ang liga para sa schoolbase players ko para sa preparasyon naman sa PBA D-LEAGUE. Kaya nagpapasalamat ako sa patuloy na suporta ni AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V, President Dr. Amable C Aguiluz IX & Senior Vice President Arnel Hibo. Marami na rin ang nagdaan sa AMA ONLINE PBA D-LEAGUE na ngayo’y nasa PBA na gaya nila Rashawn McCarthy, Jeron Teng, Jeramy King, Juami Tiongson & Actor Andre Paras.

***

Magsisismula na ulit ang AMA Cup season 2 sa Linggo, matapos bigyan-daan ang Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball ni Paolo Duterte. Maghaharap umpisa 8 am ang San Beda kontra para sa prodon born 2006. Alas-nuwebe naman ang Hotshots vs A pilot born 2003,10:15 am ang Hotshots vs Bloomfield born 2006,11:30 am Azul laban sa prodon born 2001, 12:45 pm SBU vs km4bc born 2003, 2 pm Azul laban sa rumors born 2003, 3:15 pm San Beda vs myo born 2001, 4:30 pm CFC vs Rumors born 2002 at ang huli 5:45 pm Boleros vs San Beda, born 2001.

***

Gudluck sa AMA Basketball 16-under sa laban nila sa breakdown basketball na ginaganap sa Ateneo Moro gym. Binabati ko ang San Beda University Red Lions sa kanilang panalo sa Game 1 ng NCAA finals. Gayundin sa ­aking bayaw at hipag na si Gernan at Cindy de Dios na isang masugid nating ­readers sa Abante online na mula pa sa Amerika at salamat din sa regalo na kanilang pinadala sa aking kaarawan.

***

Wini-welcome namin sa coaching staff si coach Gus Fortuna & Judah Villamor na alam naming makakatulong sa pagbigay ng kanilang kaalaman sa larangan ng basketball. HAPPY FOUNDATION DAY SA AMA na patuloy nagbibigay kaalaman sa kabataan.