Una sa Balita

AMA Sports mamimigay ng face mask

0 577

BILANG sports director ng AMA Sports, nag-isip din ako kasama ang aking mga staff na sina Edwin Ancheta, Gus Fortuna, Yong Catequista, Benjie Diswe, Oyie Temporosa at Judah Villamor kung paano kami tutulong sa aming abot makakaya sa panahon ngayon ng krisis dulot ng COVID-19.

Naisip namin na magbigay ng face mask mula sa aming allowance galing sa PBA D-League.

Ako mismo ang nagsimulang magbigay ng face mask dito sa aming lugar at naniniwala ako na maliit man o malaki ang naitutulong mo sa kapwa mo lalo na sa ganitong pagkakataon ay isa paring itong kabayanihan.

Napakasarap ng aking naramdaman nang makita ko ang ngiti sa kanilang mga mata.

Ang pagbibigay ng tulong ay hindi lang sa ganitong panahon lamang, pwede rin araw-araw sa iba’t ibang paraan gaya ng ginagawa ng mga fronliner, mga opsiyal ng barangay, mga mayor, governor lalo na ang ating Presidente Rodrigo Duterte na patuloy humahanap ng paraan para mabigyan ng lunas ang problema nating mga Pilipino.

May kasabihan na share your blessings.

Lahat ng aking mga blessing ay nanggaling sa Panginoon.

Ginamit na instrumento ang aking mga supportive na mga boss na sina Ambasador Amable R. Aguiluz V at Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Siympre ang aking pamilya na walang sawanq sumusuporta sa aking mga activity, ang aking tatay Lito at mga kapatid na sina Peter, Paul at Cathy.

Ang aking asawang si Anne pati mga aking anak na si Kean, Andre at Krizzle, ang aking kumpareng si Joseph na hindi nagsasawang magpayo sa akin na ang buhay ay give and take.

***

Magbibigay ng 15 araw na access sa mga maiikling kurso mula sa AMA Online Education kabilang ang Principles of Marketing, Sales Management at Business Finance.

Mag-register sa www.amauonline.com at kontakin si Jasper sa 0995-8147762 o mag-email sa mco@amauonline.com para sa libreng online education for 15 days. Promo ends April 15, 2020.

***

Binabati ko ang aking ina ng maligayang kaarawan na ngayon ay kasama na ni Lord na patuloy kong hinahanap at humihiling na gabayan kami ng mga anak ko, tatay at mga kapatid ko.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More