Una sa Balita

AMA seniors kampeon sa UCSAA

0 302

Nagwagi nitong Linggo, Hunyo 15, ang AMA seniors basketball team sa Universities Colleges Schools Athletic Association pre-season.

Nagpakitang-gilas ang AMA players 94-74 laban sa St. Dominic Savio.

Pero hindi naging madali ang kanilang paglalaban dahil hanggang dulo ay patuloy na kumakatok ang Savio at bumababa ang lamang ng anim ngunit muling lumaki nang maka-shoot ng foul counted si Alvin Fuentes ng AMA at 3 pts. sina Fran Assuncion at Mortel Hansen.

Hinirang na MVP ng torneo si Luke Parcero ng AMA at kabilang din sa mythical 5 sina si Jay-R Dela Rosa na mula sa AMA din at nagpapasalamat kami sa tournament orgni­zer na si Harlem Ruiz na natapos ng maganda ang torneo.

Kakasimula pa lang ng school year 2019-2020 sa AMA University, masusubukan ang mga bagong estudyanteng manlalaro na nabiyayaan ng full scholarship sa pamamagitan ng AMA Sports Program na pinamumunuan ng inyong lingkod at sinusupportahan ng aming napakabuting chairman na si Ambassador Amable R. Aguiluz V at ng aming presidente na si Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Lalahok ang aming­ AMA 16-Under at 19-Under sa ikalawang yugto ng Breakdown Basketball na magsisimula sa July 13 sa Moro Lorenzo Gym.

Ang aming 16-Under na koponan ay pangungunahan ng aming mga dating manlalaro na sina JP Magpayo, Randolf Cruz, Jasper Del Pilar, Buboy Berdin, at mga bagong player na sina Rolly Temporosa, Josef Bojorcelo, Riel Lisondra, Nathaniel Rivera at Kyn Vicente.

Samantalang ang aming 19-Under ay pangungunahan ng aming mga dating manlalaro na sina Christian Camay, Joshua Seda, Reed Baclig, Cymond Santos, Alec Catorce, Christian  Germino, Allen Rodriguez, Joshua Villamor, Zoe Orbeta at Eriz Romero, mga baguhang sila Aldrine Gubot, Josh Colina, Nathaniel Flores, Rafael Raymundo, Marky Macasaet, Ralph Altamirano at Earl Ceniz.

Binabati namin si Ma’am Socorro Javier bilang head ng AAPS District 6 mula sa St. Catherine College.

Nawa’y maging lalong maganda ang samahan ng Quezon City District 6 na kinabibilangan ng iba’t ibang eskuwelahan at magkakaroon ng meeting sa Hulyo 9 sa AMA University Ampi Theater.

Binabati ko rin si Ma’am Cece ng Car Angel sa kanyang pagtulong sa kabataan ng Brgy. Commonweath.

Sana ay ipagpatuloy n’yo ang magandang adhikain na maiwas sa masamang bisyo ang mga kabataan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy