Una sa Balita

Ama sa nayuping kotse, patay na

By
0 81

Hindi na nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang padre-de-pamilya na kabilang sa nadaganan ng cement mixer truck habang sakay nang minamaneho nitong kotse kasama ang kanyang pamilya sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Halos mahigit dalawang oras at kalahati rin na nakipaglaban kay kamatayan habang pilit na isinasalba ng mga doktor ng Metro North Hospital ang biktimang si Ullyses Ramos, 35, ng No. 32-A. King Charles St., Kingspoint Subd., ng naturang lungsod. Masuwerte namang nakaligtas matapos gamutin sa nasabi ring ospital ang misis nitong si Marife, 35, at ang tatlo nilang anak na pawang menor-de-edad.

Sinampahan na rin ng mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property ang suspek/driver ng naaksidenteng mixer cement na si Jayson Muleta, 27, ng Phase 3, Urban Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City. Si Muleta ay nakakulong ngayon sa QCPD Traffic Sector 6.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Antonio Tabios, naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon sa harapan ng tanggapan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Mindanao Avenue, Brgy. Bahay Toro ng naturang lungsod.

Sakay ang mga biktima ng kanilang puting Honda Brio na may plakang AOA-3301 at maggo-grocery lang sana nang aksidenteng madaganan nang nawalan ng kontrol na cement mixer truck (TPDL No. NO1-08-012533) na minamaneho ni Muleta at pag-aari ng Top Star Mix Ready Concrete Inc., na may tanggapan sa Caloocan City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy