Una sa Balita

AMA patuloy sa pag-recruit

0 396

Ngayong summer ay patuloy ang pag-recruit namin at aking mga coach sa iba’t ibang lugar at torneo dito sa Pilipinas para sa aming sports program sa AMA University.

Kamakailan lang ay nakuha namin ang batang-bata na si Rolly Temperosa, 14 years old na katulad maglaro ni Asi Taulava ng NLEX at si Bryan Ceniza 16 yrs old na grabe tumalon at ang kamay sa 3pt-area.

Pareho galing sa Commonwealth, Quezon City kung saan namin sila nakita sa liga ng barangay at galing naman sa Lipa, Batangas na sina Marco Andrei Macasaet na isang point guard na mahusay magdala ng bola at si Ralph Gerard Altamirano na isang mahabang player na puwede maglaro ng position 2-3-4.

Du’n din namin nakuha ang 6’3, 18 years old na si Nikkon Alina na ngayon ay sa murang edad ay kasali sa AMA Online PBA D-League at galing naman sa Cainta sina Alvin Fuentes, JD Sayat at Joshua Sabile.

Kaya nagpapasalamat ako sa aming AMA Chairman Amb. Amble R. Aguiluz V, AMA President Dr. Amable C. Aguiluz IX, Sir Emil Soriano at Sir Jay Villarruz.

Kasi kung wala sila, walang saysay sa aming mga sports director na ipatupad ang aming mga programa kaya malaking bagay na suportado ka ng management.

***

Sa UAAP Volleyball women’s divison ay magtatapat ang Ateneo vs UST. Ito ay napakagandang  match up na parehong maganda ang lineup nila.

Puro mga betereno ang parehong koponan at iba na rin ang crowd ngayon ng mga volleyball sa Pilipinas kaya good luck na lang sa parehong koponan.

Binabati ko ang Pabton Boys Basketball League na nagsimula noong April 15 na magtatapos ngayon May 19 sa pamumuno nina Renz Santos, Julius Agoc, Uneng Macale at Alvin Fuentes na ang adhikain ay iiwas ang kabataan sa masamang bisyo.

Bon voyage sa aking Kuya Peter Herrera na babalik na sa Amerika at ang aking kapatid na babae na si Catheine Herrera Hung, Herburt Hung kanyang asawa, at anak na si Sophia na babalik na sa Hong Kong.

Binabati ko rin ang Youth Basketball Tournament ni Coach Rensy Bajar na patuloy ang pagdami ng kasali ngayong summer league at si Coach Bonnie Tan ng Metro basketball League na kasali rin ang aking team na 13-under elite-Octagon Tires sa parehong liga na sinimulan ko noong 2009 hangang ngayon.

Binabati ko rin ang San Beda Univeraity 12-under team sa kanilang liga sa Breakdown Basketball sa panguguna ni Coach Onelle Bienn­ at aking anak na team captain na si Andre Herrera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy