Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

AMA papasiklab sa PBA D-League

0 105

MAY bagong record muli sa UAAP women’s volleyball na naka-sweep ng buong season gaya ng Ateneo De Manila at De La Salle University.

Ginaya ito ngayong taon ng National University Lady Bulldogs.

Alam ng lahat na ang programa ng isang eskuwelahan ay nagmumula sa grassroots level at ang intact na team kaya ito ang naging susi para makamit ng NU ang sweep sa UAAP Season 84.

***

Nagsisimula na ang Maximus Developemental Basketball League na gaganapin sa Tivoli Royal Club House sa Quezon City.

Isa na namang magandang liga para sa kabataan para maiwas sila sa masasamang bisyo at ito ay pinamumunuan ng beteranong coach na si Ron Camara.

Magsisimula naman ang PBA D-League sa July 4 sa Ynares Center sa Pasig City.

Ito ang liga na kailangan mo magdaan bago ka makalaro sa PBA at isa ang AMA na muling sasali sa kanilang pang-pitong taon sa liga bilang isang school-based team na ibig sabihin ay ang mga manlalaro dito ay dapat nag-aaral sa eskuwelahan kaya nagpapasalamt kami sa aming team owner na sina Ambassador Amable R. Aguiluz V, Dr. Amable C. Aguiluz IX at VP Darwin Dominguez.

Binabati ko po si Mr. Dexter Llego ng maligayng kaarawan, siya po ang ama ng Elite point guard na si Dave Llego aka ‘Biboy the Slasher’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.