Una sa Balita

AMA Online unang pipitas sa PBA D-League Draft

0 552

Magsisimula na ang pba d-league draft sa enero 14, 2019 at mapalad ang ama online team ng d-League na unang pipitas sa draft.

Noong nakaraang dalawang taon, ang ama rin ang unang pumitas sa katauhan ni Jeron Teng at na­ging maganda ang aming kapalaran sa torneo kaya nga­yong ang ama muli ang unang pipitas ay sabik kaming lahat sa dara­ting na draft.

May mga manlala­ro na kaming nasa isip na puwedeng maging No.1 pick.

nandiyan sina Dominic Sayat, Nikon Alina, Drivk Acosta na mga forward at guards gaya ni Alvin Fuentes, Niko Estibar at Jayr Delarosa. ma­ging ang beteranong si Yong Catequista at marami pang iba.

Magbibigay ng final list ang pba office sa ­Enero 11 kaya marami pa ring maaaring pagpilian. ito ang pang-pitong taon na ng ama sa Pba D-League na walang patid bilang isang school-based team na walang fo­reigner.

Ang ibig sabihin, naglalaro ang ama na ang mga player ay nag-aaral sa ama hindi gaya ng kalaban na puwedeng kumuha ng manlalaro mula sa iba’t ibang eskuwelahan at ex-pba players.

kaya nagpapasa­lamat kami sa suporta ng aming ama chairman Amable R. Agui­luz & president Amable C. Aguiluz IX.

Nagpapasalamat kami kay coach Norman Black at sa kanyang coaching staff sa pagkakataong ibinigay nila sa amin para maka-tune up namin ang team ng Meralco Bolts dahil marami kaming natutunan sa kanila lalo na ang aking mga player at kami ring mga coach.

Kaya pala hindi nakapagtataka na maganda ang ipinapakita ng Meralco Bolts sa pba kasi ang ganda ng kanilang sistema na aming nasaksihan gaya ng pag-ikot ng tao, magagandang play at mahigpit na depensa pati na rin ang kanilang mga big man na tumatakbo na dapat kami ang gumagawa dahil kami ay college team.

kaya sobra ang pa­sasalamat namin kay coach norman na isa kong iniidolo sa lara­ngan ng coaching dahil marami na rin siyang napatunayan sa college at sa professional.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy