Una sa Balita

AMA Online sa PBA D-League; Zamboanga Valientes sa MPBL

0 979

NAGSIMULA na ang PBA D-League nitong buwan at isa sa naglaro na ay ang aming team na AMA Online.

Pero dahil sa kulang pa sa karanasan at bata pa ang mga player ay nabigo kami.

Kahit kulang kami sa height, ipinamalas pa rin ng mga AMA player ko ang sinasabing ‘puso’ sa kabila ng mga katapat namin na may foreign player na 6’10 ang height.

Gayunman, naging masaya pa rin ang team owner na sina Ambassador Amable R. Aguiluz V. President Amable C. Aguiluz IX at Senior Vice Pres. Arnel Hibo, sa nilaro ng mga player.

Pang-anim na taon na rin namin sa D-LEAGUE bilang school-based team.

Naniniwala kami na ang programa ng PBA ay isa sa makakatulong sa paghubog sa mga atletang Filipino.

***
Malapit na ang Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) at isa ang Zamboanga Fa­mily Brand Sardines Valientes sa mga kalahok.

Ang inyong lingkod ay kasama sa coaching staff bilang assistant/consultant.

Nagpapasalamat ako sa tiwala na binigay sa akin ng management at kay Ma’am Anita Kaw ng Family Brand Sardines sa pagsuporta sa aming team.

Nakikita ko na bilang coach, iba rin talaga kapag may beterano kang kasama sa tropa gaya ng binuo ng Zamboanga Valientes na halos pawang mga beterano at hinaluan lang ng batang player.

Kasama rito sina Ried Juntilla, Robert Sanz, Arde­n Guiyab, Von Laneta at Leo Avenido na alam ang likaw ng laro sa court bilang mga lider.

***
Pinapasalamatan pala ng NCR Team ng Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament ni Paolo Duterte ang Tito Rex Goto Marinduque & Steak House sa pagsuporta sa team para sa nalalapit na National Finals.
***

Congratulations sa Cocolife management sa patuloy na pagsuporta sa mga atletang Filipino sa basketball, volleyball at iba’t ibang liga sa Pilipinas.

Gayundin ang pagbati ko sa Pulong Duterte Selection sa pagpasok nila sa Finals Got Skills 12-Under sa panguguna ni Team Capt. Ian Chua, Carlos Cantorna, Luis Barros, Jayjay Galloso, Timothy Cruz, Irus Chua, Andre Herrera, EJ Sison, at JR Tecson na suportado ni Paolo ‘Pulong’ Duterte.