Una sa Balita

Ama ni Andanar, special envoy sa Malaysia

By
0 339

HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Special Envoy to Malaysia si Wencelito Tan Andanar, ama ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Ang appointment ni Andanar ay pinirmahan­ ng Pangulo noong August 9, 2018 at mayroong anim na buwang termino, o hanggang Pebrero 2019.

Si Andanar ay hindi na bago sa gobyerno dahil naging undersecretary ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang iba pang bagong appointee ng Pangulo ay si Jeffrey Ian Cardano Dy bilang Deputy Commissioner ng Bureau of Customs, kapalit ni Noel Patrick Prudente.

Si Prudente ang opis­yal na sinibak ni Pangulong Duterte noong May 30 dahil sa madalas na biyahe sa abroad.
Itinaon ng Pangulo ang pagsibak kay Prudente matapos saksihan ang pagsira sa mga smuggled na mamahaling sasakyan sa Port Area Manila.

Kasama rin sa mga hinirang ng Pangulo si Julia Cecil Coching So­sito bilang bagong presiding commissioner ng Natio­nal Labor Relations Commission second division. (Aileen Taliping)