Una sa Balita

‘AMA’ ng mga PBA Superstar walang kupas

By
0 2,117

Maraming dumating, mara­ming nag-alisan. Maraming nagbanta sa kanyang ulunan.

Pero siya sapul nang pasukin ang propesyon may 31 taon na ngayon, o sapul noong 1987 hanggang kasalukuyan, nakatindig, namamayagpag, subok na matibay, subok na matatag, hindi magalaw sa pagkabantayog na number 1, bilang top basketball players agent.

‘Yan si Danilo ‘Danny’ Espiritu, dating negosyante bilang may-ari noon nang bantog na Wild Duck bar, matatawag ding sportsman, pilantropo at kilalang-kilala sa 4 na sulok, maging sa loob at labas ng Philippine Basketball Association, Maharlika Pilipinas Basketball League, National Collegiate Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines.

Mapa-team owner, board governor o team represerentive ng mga may-ari ng team, alternate governor, team manager, siyempre lalo na sa mga player, coach, officials, media, mga crew at fans walang ‘di nakakakilala sa kanya.

 

Tuloy ang ratsada sa 31 taon

Mala-totoy pa dahil ismarte manamit, maliksing kumilos, matikas kahit 70-anyos na (b. August 26, 1948) ang tubong Caloocan City, may taas na 5-talampakan, tapos ng Accounting sa University of the East, maingat sa pagkain, kilala sa kanyang pamatay na ngiti’ t bigote, madaling lapitan at kausap, at basketball at swimming ang mga hilig na sports ni Espiritu.

May 2 siyang anak, sina Marlon Danilo at Marvin Danilo. Nasa gaya na ring industriyang ginagalawan niya ang bunsong si MD na nakaestablisa na rin ng kompanyang Espiritu Manotoc Basketball Management (EMBM) kasama si Matthew Manotoc. Misyon nitong maipagpatuloy ang mabuting track record niya mula sa pagiging propesyonalismo, nangangalaga at may kagandahang-loob.

Sa dami na ng mga nahawakan at naserbisyuhan ng primero klase ni Espiritu, natawag siya ng mga basketbolista na Boy Abunda at Lolit Solis ng showbiz dahil kung matitinik ang 2 sa pamamahala ng mga artista sa pinilakang-tabing, siya naman ang tinurang counterpart ng mga ito pagdating sa sports.

Isa siyang future PBA o PBA Press Corps Hall of Famer.

 

Q&A

Abante: Kamusta po boss Danny/Dan ang buhay ng isang mega PBA agent o super basketball players agent?
Espiritu: Masarap na mahirap. Tough task, challenging. Seryoso at kengkoy.

Abante: Bakit po?
Espiritu: Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa ating kapwa. Lalo na kung napasaya mo sila sa nagawa mo, nakapagsara ka ng kontrata na kontento at maligaya siya sa nakuha. Nang magsimula akong agent/adviser way back 1987 yun na ang advocacy ko hindi perks. Pero tough task din kasi minsan series of meetings bago maisara ang isang contract ng player sa team, may puyatan. Iintindihin mo both sides at mag-a-adjust ka sa players.

Merong formal mag-i-Inglesan kayo, meron naman minsan high school ang tinapos bababa ka kahit minsan kengkoy na ang usapan para magkaintindihan lang. Minsan nanonood ka sa playing venue sa may likod mo may mag-aabot ng lump sum daw P.5-milyon. Yung ibang walang inaabot okay lang sa akin.

Abante: Ilan po ang nasa pangangasiwa ninyong player sa 180 sa 12-team PBA ngayon, at ilan po ang mga mainit sa merkado.

Espiritu: 82. Jayson Castro, Beau Belga, Joe Devance, Raymond Almazan, Alex Cabagnot, Allein Maliksi, Arwind Santos, Scottie Thompson, Troy Rosario, Jericho Cruz, etc.

Abante: 1st 5 po sa inyong mga na-under na player?

Espiritu: Sa circa 2015-2018 sina Scottie Thompson, Jio, Jerico Cruz , Carl Bryan Cruz at Raymond Almazan. Sa circa 1990 Ato Agustin, Bong Alvarez, Bong Hawkins, Boy Cabahug at Bonel Balingit.

Abante: Magic 10 all-time naman po?

Espiritu: Ato Agustin, Willie Miller, Kerby Raymundo, Johny Abarrientos, Kenneth Duremdes, Vergel Meneses, Mark Caguioa, Arwind Santos, Jason Castro at Marlou Aquino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy