Una sa Balita

Ama ng ‘Barretto Sisters’ yumao na

0 598

Nagluluksa ang pamilya Barretto sa pagpanaw ng haligi ng kanilang tahanan na si Miguel Barretto kahapon sa edad na 82.

Sa Instagram post ni Claudine Barretto ay ibinahagi niya sa kanyang mga follower ang mga huling sandali ng kanyang ama habang napapaligiran ng kanyang mga kapamilya at nagbibigay ng kanilang huling respeto sa Barretto patriarch. “We luv u Dad,” caption nito.

Sa kanyang IG story ay nag-post siya ng “Never knew I Could HURT like this. GoodBYE DADDY.”

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga fan sa Barretto sisters.

Hindi lingid sa mga fan na may pinagdadaanang ‘di pagkakaunawaan sina Gretchen, Claudine at Marjorie Barretto hinggil sa samu’t saring isyu. Nang maratay sa ospital ang kanilang ama, umaasa ang lahat na magdadamayan ang Barretto sisters sa dagok na dumating sa kanilang pamilya.

Ipinost naman ni Joaquin Barretto ang pagdalaw ni Marjorie sa kanilang amang si Miguel at kasama pa nito ang anak na si Julia Barretto, habang nakaratay ito sa ospital.

Nagtataka tuloy ang mga fan kung kelan naman bibisita si La Greta sa kanyang ama, ngunit masamang balita nga ang pagpanaw na nito. Hindi man lang ito nadalaw ni Gretchen at habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang statement ang aktres.

Ilan sa mga celebrity na nagpaabot na ng pakikiramay sa Barretto clan sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, at Christine Bersola-Babao. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy