Una sa Balita

Ama nagbenta ng banana cake para sa liver transplant ng anak

0 1,086

Kinurot ang puso ng mga netizen sa larawan ng isang ama na nagtitinda ng gawa niyang banana cake, habang karga ang anak na may sakit at nangangailangan ng liver transplant.

Sa Facebook post ni Jenny Sumalpong, makikita ang 34-anyos na si Antonio Detablan ng Calamba, Laguna na nagtitinda ng home made banana cake sa gilid ng kalsada habang karga ang anak na walong buwan pa lamang ang edad.

Nagkakahalaga lamang ng P120 ang ibinebentang banana cake ni Detablan. Iniipon niyaNito para makalikom ng halagang P1.6 mil­yon sa liver transplant ng kanyang anak.

Ang anak niyang si Aquiro Jazz, ay na-diagnosed na may biliary atresia noong Oktubre 2018. Isa itong rare disease ng liver at bile ducts sa mga sanggol. Kung hindi siya maooperahan pagsapit ng ika-isang taong kaarawan, mahihirapan na itong mabuhay sa ikalawang taon.

Nag-viral naman sa social media ang post ni Sumalpong at higit 130,000 na itong naishare.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More