Una sa Balita

Ama na iniwan ng pamilya nakipagduwelo sa pulis

0 390

DEDO ang isang dating overseas Filipino worker matapos makipagbarilan sa mga pulis na aaresto nang magpaputok ng baril sa Calatagan, Batangas Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Donato Credito, ­residente ng Brgy. Quilitisan.
Batay sa report ng pulisya, pasado ­alas-kuwatro ng madaling-araw nang walang habas na ­magpaputok ng baril ang si Credito sa loob ng kanyang bahay.

Nang makita ang mga nagrespondeng pulis, pinaputukan nito ang patrol car at saka pumasok at nagkulong sa bahay.

Sa kabila ng pakiusap ng mga kaanak na ­lumabas at sumuko, nagmatigas ito at ­pinaputukan muli ang mga pulis na nagtangkang pumasok.

Tinamaan ang isang pulis at ang isang opsiyal na kinilala lamang na sina PSSg. Barcelon at PLT. Joel Landicho.

Nabaril naman ng mga dumating na mga ­tauhan ng Police Mobile Force company at Philippine Air Force ang suspek na nasawi noon din.

Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang ­pulis na si Barcelon samantalang nasangga ­naman ng bullet vest ang bala na tumama sa opisyal.

Ayon pa sa mga kaanak, nakakaranas ng ­depression ang lalaki mula pa noong iwanan ito ng kanyang pamilya noong nakaraang taon. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More