Una sa Balita

Ama kulong sa pagnanakaw ng payong

Dahil sa walang tigil na ulan

By
0 319

Nakakulong ngayon ang isang ama matapos magnakaw ng dalawang pirasong payong sa grocery store, kahapon nang umaga sa Valenzue­la City.

Kasong theft ang kinakaharap na asunto ni Angelo Velasquez, 43-anyos, naninirahan sa No. 199 De Jesus St., Brgy. 148, Caloocan City.

Sa sworn statement ng negosyanteng si Julio Castañeda, 72, residente ng Gitnang Tangke St., Brgy. Malinta, Valenzuela City, abala ito sa pagbabantay ng kanyang grocery store sa Felisa Buildin­g, 1 Governor St., Brgy. Malinta ng nasabing lungsod

Dakong alas-9:15 nang umaga nang pumasok sa grocery si Velasquez at nagkunwaring kostumer.

Pasimple nitong dinampot ang dalawang naka-fold na payong na nagkakahalaga ng P100 ang bawat isa at ipinasok sa loob ng dala nitong bag.

Hindi alam ng suspek na nakita ng negosyante ang ginawa nito kaya ina­abangan na ito ng huli sa labas ng tindahan upang komprontahin.

Sa tulong ng mga naroroon, tinulungan nila si Castañeda para pagdala sa Police Community Precinct (PCP) 4 ang suspek.